Connect with us

Aklan News

Bangkay ng isang lolo, natagpuan sa isang irigasyon sa Madalag

Published

on

Isang bangkay ng 85 anyos na lolo ang natagpuan sa isang irigasyon sa Brgy. Tigbawan, Madalag.

Kinilala ang biktimang si Enrique Navarrosa, isang magsasaka na residente ng lugar.

Ayon sa kanyang anak na si Wenefredo Navarrosa, ilang araw na nilang pinaghahanap ang biktima simula pa Hulyo 2.

Nagpatulong na rin sila sa Brgy. Tanod para mahanap ang biktima hanggang sa nakita ito sa irigasyon nitong Miyerkules, dakong alas-3:45 ng hapon.

Batay sa imbestigasyon, hindi nakitaan ng anumang sugat ang katawan ng biktima at pinaniniwalaang nahulog ito sa irigasyon.

May hawak pang mga damo sa kamay ang biktima kaya pinaniniwalaang sinubukan pa nitong makaakyat sa irigasyon pero hindi na nakaya dahil na rin sa katandaan.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na walang nangyaring foul play sa pagkamatay nito.