Connect with us

Aklan News

BANGKAY NG NALUNOD KAHAPON SA C. LASERNA, NATAGPUAN NA SA SO. LIBOTON, BAKHAW NORTE

Published

on

Patay na ng matagpuan mga dakong alas 4 kaninang hapon sa So. Liboton, Bakhaw Norte ang isang 63 anyos na lalaki matapos malunod kahapon sa Aklan river.

Nakilala ang biktimang si Arlendo Tamayo na residente ng Purok 4, C. Laserna St., Kalibo.

Matatandaan alas 8 ng umaga kahapon ng tumawid ito mula Purok 4, C. Laserna papuntang Mobo para kumuha ng kahoy kasama ang kanyang live-in partner na si Teresita Arevalo.

Ayon kay Arevalo nang nasa gitna na sila ng ilog bigla umanong lumakas ang agos at sinabihan siya ni Tamayo na bumalik na lang pero nagpumilit umano siyang dumeretso na sila patawid sa Brgy. Mobo.

Subalit bigla umano silang tinangay ng agos papuntang Brgy. Bulwang at nakita na lamang umano niya ng tinangay ng umaalimpuyong tubig si Tamayo.

Sinikap niya umano na lumangoy hanggang sa masagip siya ng isang menor de edad na naliligo doon katuwang ang isang babae.