Aklan News
BANKING HOURS SA BAYAN NG KALIBO, PINAIKLI NA
Pinaikli na ang banking hours sa bayan ng Kalibo mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.
Ito ay kaugnay ng Resolution No. 2022-001 ng lokal na banking association at pagsasailalim sa lalawigan sa Alert Level 3.
Batay sa abiso ni Mayor Emerson Lachica, hangang alas-dos na lang ng hapon ang operasyon ng mga bangko sa bayan ng Kalibo mula Lunes hanggang Biyernes habang ang mga bangkong bukas ng Sabado ay hanggang alas-12 lang ng tanghali.
Hindi naman malinaw sa abiso kung kailan babalik sa normal ang operasyon ng mga bangko.
Batay sa pinakahuling datos ng Aklan Provincial Health Office, nasa 209 na ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Kalibo at 58.55% naman ang positivity rate sa Aklan.
Continue Reading