Aklan News
BANTAY NG MGA PASYENTE SA DRSTMH, DI NA KAILANGAN MAGPA ANTIGEN TEST, PWEDE NA RIN LUMABAS
Ngayong nasa Alert Level 1 na ang Aklan, niluwagan na ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) ang ilan sa mga ipinatutupad nilang protocol sa loob ng ospital.
Ayon kay Aklan Provincial Hospital Admin Officer Eumir Raymund Atienza, napagkasunduan nila na tanggalin na ang polisiya na dapat pang mag Rapid Antigen Test ang mga bantay ng pasyente.
Pinapayagan na rin ang mga bantay na lumabas ng ospital para makabili ng pagkain o gamot na kailangan.
Sa ngayon, tanging ang mga pasyente na lang ang kailangan magpa Rapid Antigen Test bago ma-confine.
Samantala, nananatiling bawal ang pagbisita sa mga pasyente at isa lang ang dapat na bantay dahil kailangan pa rin ayon kay Atienza na mag-ingat sa COVID-19.
Maging ang mga media ay pinagbabawalan pa rin na makapasok sa mga ward ng ospital para mangalap ng balita.
Kung maaalala, simula nang magkaroon muli ng surge ng COVID-19 virus sa Aklan noong Enero, naglabas ng memorandum si Aklan Provincial Hospital Acting Chief Dr. Leslie Ann Luces na dapat mag-stay in ang mga bantay kasama ng kanilang mga pasyenteng naka-confine sa ospital.