Connect with us

Aklan News

BARANGAY CERTIFICATION HINDI NA KINIKILALA NG COMELEC BILANG PROOF OF RESIDENCY

Published

on

Kinumpirma ni Commission on Election o Comelec-Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo na hindi na kinikilala ang barangay certification bilang proof of residency.

Ito ang paglilinaw ni Gerardo kasunod ng nangyaring gusot sa pagitan nina Bert Villanueva, empleyado ng LGU-Kalibo sa barangay certificate ng isang residente ng Purok 2. C. Laserna, Kalibo na gagamitin sana nitong requirement sa pagpaparehistro sa COMELEC.

Ayon kay Gerardo, matagal nang hindi kinikilala ng COMELEC ang nasabing sertipiko simula pa noong taong 2016.

Ito ay dahil may mga pagkakataong inaabuso ang paggamit ng barangay certification.

Noon aniya ay puwede pa itong gamitin dahil isa itong matibay na ebedinsiya kung saan mismong ang kanilang punong barangay ang nagpapatunay na residente sila ng kanilang barangay ngunit kalaunan ay na-abuso na ito.

Dahil dito ay nagdesisyon ang komisyon na huwag nang tanggapin ang nasabing sertipiko kahit ang barangay ID bilang requirements.

Sa halip umanong barangay certification ay maaaring magpakita ng proof of billing, valid IDs, birth certificate at marriage certificate bilang patunay.

Samantala, ipinahayag din ni Gerardo na nakausap na niya si Poblacion Barangay Captain Niel Candelario at nagkaliwanagan na umano sila sa nasabing problema.