Aklan News
BARANGAY COUNCIL NG POBLACION, MAKATO ‘BACK TO ZERO’


“Ga-start gid kami sa zero.”
Ito ang inihayag ni Shirley Lagradante sa kanyang pag-upo bilang newly elected barangay captain ng Poblacion, Makato.
Ani Lagradante, nangangapa pa sila sa ngayon dahil halos walang dokumentong iprinisenta sa kanila ang nagdaang administrasyon.
Sa katunayan ayon kay Lagradante, ayaw pa sana niyang tanggapin ang turn-over ng posisyon. Ngunit ang problema umano ay hindi na pumapasok ang outgoing captain gayundin ang mga tauhan nito.
Dahil dito ay nahihirapan na ang mga mamamayan ng barangay Poblacion, Makato sa pagkuha ng mga barangay indigency at barangay certificate dahil walang nag-i-issue.
“Kung ako pasugtan, indi tang gihapon mag-accept kahapon ugaling ro aton abi nga problema hay sa kaabo-abo eot-a nga nagapinangyo ngara it kinahang-eanon nanda nga indigency ag barangay certificate hay owa man it ga-issue, owa man si incoming nagaduty ag ro tinawo na,” ani Lagradante.
“So nagataeang ro atong pumueoyo ta. So akon lat-a nga gin-ano kahapon nga i-accept lat-a gid namon,” dagdag nito.
Saad pa ng opisyal, ayaw din niyang ma-paralyze ang operasyon ng kanilang barangay kung kaya’t tinanggap na niya ito kahit kulang pa ang mga dokumento mula sa nagdaang administrasyon.
Nangangapa pa umano sila sa ngayon at talagang magsisimula sila sa wala.
“So nagakapa gid-a kami today. Mangayo lang kita it help sa ibang mga barangay ngato nga ma-rescue nanda ro Poblacion anay kasi duyon ngani nga zero gid-a kami. Ga-start gid kami sa zero.”