Connect with us

Aklan News

Barangay Sigcay sa bayan ng Banga, negatibo pa sa ASF – Board Member Neron

Published

on

NEGATIBO sa African Swine Fever o ASF ang barangay Sigcay sa bayan ng Banga.

Ito ang kinumpirma ni Sangguniang Panlalawigan member Nemesion Neron sa panayam ng Radyo Todo.

Aniya, ang taong napasama sa listahan ng mga may-ari ng baboy na nagpositibo sa ASF ay hindi residente ng kanilang barangay.

Kaagad umano nilang beneripika ang naturang impormasyon at maaring false report lamang ito.

Giit pa ng opisyal na wala pang alagang baboy ang nagkakasakit sa kanilang barangay.

Kaugnay nito, kaagad naman nagpulong ang mga hog raiser sa kanilang lugar kung saan ipinasiguro nila na hindi pa nakakapasok sa kanilang ang ASF.

Dagdag pa ni Neron, umaasa sila na sana hindi na umabot pa sa barangay Sigcay ang ASF upang hindi na maapektuhan ang mga hog raisers at mga alaga nito.

Samantala, ipinasiguro naman ni Neron na ang barangay Sicgay ay mahigit na nagbabantay at mino-monitor ang African Swine Fever.