Aklan News
Baril at bala, kusang isinuko sa mga otoridad


Kusang isinuko ng isang concerned citizen sa bayan ng nabas ang isang unit ng caliber .38 revolver na walang serial number at may kasamang mga bala sa mga personnel ng 2nd aklan provincial mobile force company (PMFC) nitong sabado, hunyo 7.
itinuturing ng mga otoridad ang naturang baril bilang loose firearm dahil sa kawalan ng serial markings na magpapakilala rito.
dinala naman ito sa nabas municipal police station (MPS) para sa dokumentasyon bago itinurn-over sa supply section ng 2nd Aklan PMFC para sa tamang disposisyon.
ani ng mga otoridad, ito’y bahagi ng patuloy na kampanya kontra loose firearms at pagsusulong ng responsableng pagmamay-ari ng baril.| Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading