Aklan News
Baril at mga bala, nakumpiska sa isinagawang raid ng otoridad sa brgy. Laguinbanwa West, Numancia
Hinalughog ng Numancia PNP sa bisa ng search warrant ang bahay ni Johnry Laurente sa Barangay Laguinbanwa West, Numancia.
Natagpuan sa bahay ni Laurente ang isang caliber 22 rifle, rifle scoop, isang .38 caliber revolver na baril at mga bala.
Sa panayam ng Radyo Todo kay PMaj Fidel T Gentallan, hepe ng Numancia PNP station, may mga natanggap umano silang sumbong na mayroong illegal na armas si Laurente.
Saad pa ni Gentallan, kapag nalalasing si Laurente ay madalas nitong ipinagyayabang ang kanyang baril dahilan na na-aalarma ang mga residente sa naturang lugar.
Ang nasabing search warrant ay ibinaba ni Executive Judge Bienvinido P Barrios Jr. ng Regional Trical Court Kalibo, 6th Judicial Region na may petsang June 16, 2022.
Kasong paglabag sa RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ni Laurente.
Kaugnay nito, nanawagan naman si PMaj. Gentallan sa mga may-ari ng baril na expired ang lisensya lalo na ang mga nagmamay-ari na hindi lisensyado na isuko na ang kanilang mga armas.
“Sa akon gid nga pagpati malisod ro pagkapot it armas kung… unang-una kung wala ka gid sufficient nga knowledge how to carry and handle firearms. Pangaywa, kung ang attitude it tawo nga nagakapot sang firearms. Ngani, napaka-risky ro aton nga pumuloyo kung hayaan naton duyon nga mga sitwasyon nga reported incident kay malisod. Wala man kita naila nga may isa sa pilang adlaw nga magiging biktima sa daya nga illegal discharge of firearms,” dagdag pa ni Gentallan.