Connect with us

Aklan News

Baril at mga bala, nasamsam sa bahay ng suspek sa pagpat*y ng isang magsasaka sa Cabangila, Altavas

Published

on

NASAMSAM ng Altavas PNP ang isang baril at mga bala sa ikinasang search warrant operation sa bahay ng isang lalaki sa Brgy. Cabangila, Altavas bandang alas-6 nitong umaga ng Huwebes, Mayo 1.
‎Ang bahay ay pagmamay-ari ng subject person na si John Panuncio, na residente rin ng nasabing lugar.
‎Sa paghalughog ng mga otoridad sa bahay ng subject, narekober rito ang isang caliber .38 revolver at apat na mga bala.
‎Tinanggap naman ng asawa ni Panuncio ang isinilbing search warrant dahil wala ito sa kanilang bahay.
DAahil dito, sinabi ni PCpt. Jover Ponghon, Chief of Police ng Altavas PNP na idadaan sa regular filing ang pagsampa ng kaso laban sa nasabing subject person.
Napag-alaman na si Panuncio rin ang itinuturong bumar*l-pat*y kay Orlin David, isang magsasaka noong nakaraang Marso 14.
Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong murder at karagdagang paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act. l Ulat ni Arvin Rompe