Connect with us

Aklan News

Baril ng mga pulis, ‘di na kailangan selyohan sa bagong taon – APPO

Published

on

Photo from the web.

“So far very clear na walang muzzle taping ngayon sa mga kapulisan.”

Ito ang ipinahayag ni PMAJ Bernard I. Ufano Chief Intel ng Aklan Police Provincial Office (APPO) hinggil sa pagsasagawa ng muzzle taping sa mga baril ng pulis sa nalalapit na pagdiriwang ng pasko at bagong-taon.

Sinabi niya na masyadong sensitibo ngayon ang pamunuan pagdating sa internal cleansing kung kaya’t hindi na kailangan selyohan ang baril ng lahat ng kapulisan.

Liban dito ay bumababa na rin ang numero ng indiscriminate firing sa bansa sa mga nakalipas na taon bunga ng kooperasyon ng pulisya at publiko.

Kaugnay nito, iginiit ni Ufano na posibleng imbestigahan ang sinumang pulis na makukunan ng larawan o video na nagpapaputok at kapag napatunayan na nagkasala ay papanagutin.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay wala ring isinagawang muzzle taping sa mga baril ng pulis.