Aklan News
Baril ng pulis, tinangkang dakmain ng babaeng Fil-Am
TINANGKANG agawan ng baril ang on-duty desk officer ng Malay PNP ng isang babaeng Fil-Am habang gumawa ng blotter report nitong Lunes, Hulyo a-3.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Plt.Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay PNP, sinabi nito na naisampa na nila ang kaso laban dito at nasa kostudiya na rin aniya ng local psychologist ang suspek.
“Naka-file na ‘yung kaso, regular filling at yung ating suspek naman nasa costudy ng local psychologist natin ngayon,” pahayag ni De Dios.
Ayon sa hepe, gumagawa noon ng blotter report si Patrolman Necco John Ortiz nang bigla na lamang umikot sa likod nito ang 44-anyos na suspek at dinakma ang baril ng pulis.
“Ongoing ang pagta-type ng ating desk officer ng mangyari iyon, siya naman…yung ating suspek ay umiinom ng tubig at noong inilapag niya doon sa lamesa ng ating desk officer, umikot siya sa likod ng desk officer at dinakma yung baril,” ani De Dios.
Saad pa ni De Dios, nakita naman kaagad ito ng kanilang pulis kung kaya’t nadakma niya kaagad ang kanyang baril.
“Alam mo naman ang itsura nitong station natin, kapag desk officer kasi, ang lobby natin open naman ‘yan sa mga kababayan natin na humihingi ng assistance sa atin. Actually, nakita naman siya ng ating DO noong padakma siya, nadakma din ng ating police yung baril niya. So yung retention naman nandoon. Kaya lang yung attempt naman ang hindi maganda do’n,” pagtutuloy pa ni De Dios.
Dagdag pa nito, “Pilipino ito pero with American passport.”
Samantala, inihayag ni PLt.Col. De Dios na hindi nila ma-determina ang mental state of mind ng suspek ngunit noong naka-usap niya umano ang psychologist kahapon ay sinabi nitong kalmado naman ang suspek at nakikipag-usap na at nakakatulog na.