Aklan News
Basketball at iba pang contact games, bawal parin sa MGCQ
Matatagalan pa bago muling makapaglalaro sa loob ng court ang mga Pinoy na nahuhumaling sa larong basketball.
Marami na ang umaasang mapapasailalim ang Aklan sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa June 1, lalo na ang mga binata na mahigit dalawang buwan na ring naka-stay-at-home.
Pero ayon sa Chairman ng Technical Working Group na si Atty. Selwyn Ibarreta, mananatiling bawal ang paglalaro ng basketball at iba pang contact games sa Aklan kahit na nasa MGCQ na ang probinsiya.
Gayunpaman, naglabas ng guidelines ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ukol sa “indoor and outdoor non-contact sports and other forms of exercise” sa mga lugar na nasa MGCQ.
Ilan sa mga sports na kanilang pinayagan ay ang badminton, biking, swimming, golf, at skateboarding.