Connect with us

Aklan News

BASURANG PPE’s NG MGA COVID PATIENTS, TINAMBAK SA AKLAN SPORTS COMPLEX

Published

on

Kinumpirma ni Barangay Chairman Neil Tumbukon ng Calangcang, Makato na mga basurang PPE’s (Personal Protective Equipment) ng mga COVID-19 Patients ang mga basurang itinambak sa loob na likurang bahagi ng Aklan Sports Complex sa Calangcang, Makato.

Subali’t sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Tumbokon na naka disinfect narin umano ang mga ito galing sa Aklan Provincial Hospital bago inilipat doon pansamantala noong September 10.

Nilinaw rin ng punong barangay na temporaryo lamang ang mga basurang nakatambak doon.

Paliwanag nito, nakatakda umanong dalhin sa syudad ng Iloilo ang nasabing mga basura subalit nagkaroon lamang ng aberya ang sasakyan na magkakarga nito kaya pansamantala munang inilagak ito sa lugar.

Saad pa ng opisyal mayroon na itong nakapaligid na yero bilang harang.

Samantala, ipinahayag ni Tumbokon na nangako na rin umano sa kanya ang responsableng ahensiya ukol dito na kukunin din ang mga nasabing basura ngunit wala pa siyang ideya kung kailan ito mangyayari.