Connect with us

Aklan News

Bata, nalunod-patay sa New Washington ‎

Published

on

Dead-on-arrival ang isang bata matapos umano’y malunod sa bayan ng New Washington, nitong umaga ng Lunes, Abril 21. ‎ ‎Ang lalaking biktima ay edad 3-anyos, at nakatira sa Sitio Malogo, Poblacion, New Washington. ‎

‎Ayon sa MDRRMO-New Washington, ang biktima ay dinala pa ng kanyang tatay sa kanilang tanggapan mga bandang alas-10 ng umaga.

‎ ‎Ito’y matapos na umano’y makita sa isang hinuhukay na balon sa likuran ng kanilang bahay.

‎ ‎Kaagad naman umano itong idinala sa RHU-New Washington para sa kaukulang medikal na atensiyon.

‎ ‎Kalaunan ay isinugod pa ito sa Provincial Hospital pero idineklara nang dead-on-arrival ng attending physician.