Aklan News
Batan Bay, negatibo na sa red tide toxin
NEGATIBO na sa red tide toxin ang mga coastal barangay ng Altavas, Batan at New Washington na sakop ng Batan Bay.
Ito ay batay sa Shellfish Bulletin No. 22 at Shellfish Advisory No. 23 na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Martes, Setyembre 19.
Kinumpirma mismo ni BFAR 6 Regional Director Remia Aparri sa Radyo Todo na negatibo na sa red tide ang mga coastal waters ng Altavas, New Washington at bahagi ng Batan maliban sa Mambuquiao at Camanci.
Paliwanag ni Aparri, tatlong beses na nagnegatibo ang samples na kinuha ng BFAR mula sa Batan Bay.
Dahil dito ang lahat ng klase ng mga shellfish gaya ng alamang ay ligtas na para sa human consumption sa mga nabanggit na lugar.
“Magpasalamat kita nga negative na ang coastal waters sang Altavas, New Washington kag part sang Batan except Mambuquiao and Cc vamanci. Sa Mambuquiao and Camanci, indi gid anay magpanguha, indi magpanginhas, indi magtransport, indi mag market kag indi magkaon sang mga panginhas.”