Connect with us

Aklan News

BATAN MAYOR RODELL RAMOS, IPAPAAYOS ANG FOOTBRIDGE NA KOMOKONEKTA SA ALTAVAS

Published

on

BATAN MAYOR RODELL RAMOS, IPAPAAYOS ANG FOOTBRIDGE NA KOMOKONEKTA SA ALTAVAS

IPAPAAYOS ni Batan Mayor Rodel Ramos ang footbridge na komokonekta sa barangay Man-up, Batan at barangay Man-up, Altavas.

Ito ay kasunod ng mga reklamong natatanggap ng kanyang opisina mula sa mga residente ng Sitio Datu Bungsod, Brgy. Man-up sa bayan ng Batan hinggil sa sitwasyon ng nasabing footbridge na nagsisilbing daanan ng mga taga-Batan gayundin ng mga residente mula sa bayan ng Altavas.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay Mayor Ramos, ipinahayag nito may tatlong buwan na itong idinadaing sa kanya ngunit dahil marami siyang mga bagay na pinagkaka-abalahan lalo na ngayong election ay hindi niya pa ito nabibigyan ng prayoridad.

“Pero ‘yan po ay na-Facebook nila 3 months ago, na ina-ano nila na sa Batan. Pero itong footbridge na ‘to is part po ito ng Altavas, hindi po Batan. Barangay Man-up, Altavas po ‘yan, itinawid lang po nila ang kawayan papuntang Man-up, Batan,” paglilinaw ni Ramos.

Ipinasiguro naman ni Mayor Ramos ang kanyang personal na pagtulong upang masolusyunan ang nasabing problema dahil mga residente rin nito ang apektado.

“Talagang, tutulungan natin ‘tong barangay na ‘to, Man-up Altavas. Bigyan lang ako ng oras. Papasyalan natin ‘yan. Or bigyan n’yo akong contact number, o bigay niyo number ko, sigurado, bigyan natin ng pansin yan,” saad ni Mayor Ramos.

Sa katunayan ayon sa alkalde, pinuntahan na niya ang lugar upang personal na makita ang sitwasyon ng nasabing footbridge na kawayan.

Dagdag pa nito na personal na tulong ang kanyang ibibigay upang maayos ang naturang footbridge na idinadaing ng mga residente ng Batan at Altavas.

Aniya pa,makikipag-ugnayan rin siya kay Altavas Mayor Denny “Kano” Refol Jr. upang mapagtulungang maayos ang naturang footbridge.

Kaugnay nito, mas makakabuti nalang ayon kay Mayor Ramos kung magsasagawa na lamang sila ng bayanihan kasama ang buong komunidad upang mas mapadali ang pagsasa-ayos ng kanilang tulay.

“Dalawang Man-up na barangay, pagsamahin natin para mas maganda. Man-up, Batan, Man-up, Altavas pagsamahin natin. Pagtulungan lang po siguro. Atleast po, para mas lumaki po ‘yong kawayan na ilalagay nila, lumapad…mas maganda at marami ang makadaan. Pati motor, kakayanin.”