Aklan News
Batan PNP, nilinaw na walang nangyaring panunutok ng baril sa kumalat na video ng pulis sa Batan PNP at Army
Nilinaw ng hepe ng Batan PNP na walang nangyaring pananutok ng baril sa video na inupload ng isang nitezen sa nangyaring insidente sa Brgy Camaligan Batan linggo ng hapon na kinasangkutan ng mga miyembro ng Army at Batan PNP.
Ayon kay PLt. Jerly May Lapasaran, hepe ng Batan PNP na hindi totoong nanutok ng baril ang pulis taliwas sa sinasabi ng nag upload ng video na gumamit ng isang dummy account na Conzern Citizen.
Dagdag pa nito na pabalik na ang nasabing pulis matapos magsagawa ng follow up sa sinasabing illegal cock fighting activity sa lugar ng madaanan ang grupo ng mga lalaking nag iinuman na kalaunan ay napag-alaman na member ng Army.
“Unang-una, klaruhon ko lang wala sang pagpanutok nga natabo. As the investigation goes nga napamangkot naton sa area, nag-conduct kita sang investigation. Ang natabo sini, ang aton nga PNP nagconduct ini sang follow-up investigation and surveillance sa area tungod sa reported nga illegal activities nga illegal cockfighting. So as part sang aton nga trabaho bilang pulis is to validate if the report is positive or indi matuod bala. Along the way, it turn-out nga negative, pabalik na sila sa compact kag naka-agi sila diri sa grupo sang kalalakihan nga naga-inom allegedly, and later on na-identify ini mga miyembro sang Philippine Army, “ saad ng hepe.
Tinapik umano sa batok ng dalawang beses ang kasama ng pulis na angkas nito sa kanyang motor kaya minabuti nitong bumaba at doon na nangyari ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng army at pulis.
Nilapitan umano ng apat na lalaki ang pulis kung kayat bumunot na ito ng baril para dipensahan ang sarili pero hindi niya ito tinutok.
“Ini sir, nga aton PNP may angkas ini nga iya upod nga dati man nga barangay tanod sang Camaligan ag samtang nagasakay sa motor hay medyo gintapik ro ana nga tangkugo, daywang beses. So bilang pulis nakibot ini sya, nanaog sa ila motor and didto daw ginpalapitan sya sang tatlo ukon apat ka tawo, makita man naton sa video. So, in defense na parang na-threatened sya, ginbunot nya ang iya nga armas pero as to the gintutok, daw wala niya ini ginhimo. The act nya is para depensahan para sakali man gid nga mag-escalate pa ang insidente, considering nga ti, may heated argument sa ila,” paliwanag pa ni Lapasaran.
Kalaunan umano ay dumating sa lugar si kagawad Abayon at Batan PNP na nagpagitna sa magkabilang panig.
Sa ngayon ay pansamantala munang kinuha sa Camaligan compact ang nasabing pulis at inilipat sa Batan main station.