Aklan News
BATAN SB MEMBER JOENA B. PARCO, SINAMPAHAN NG KASONG KRIMINAL SA OMBUDSMAN
Sinampahan ng kasong kriminal sa Tanggapan ng Ombudsman for the Visayas ni Man-up, Batan Punong Barangay Oscar Almanon si Batan Sangguniang Bayan Member Joena B. Parco dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan.
Sa complaint affidavit ni Punong Barangay Almanon na isinumite sa tanggapan ni Deputy Ombudsman Paul Elmer Clemente ng office of The Ombudsman for the Visayas.
Noon umanong April 18, 2020 sa Control point ng Barangay Man-up para sa mga papasok at lalabas na mga sasakyan sa bayan ng Batan ay nagbitaw ng mga maaanghang na salita si SB Parco laban sa nagrereklamong punong barangay matapos hindi pinapasok sa control point ang kanilang sasakyan na may kargamentong construction supply.
Dagdag pa ni Almanon na nagbanta pa diumano si SB Parco na ipapatawag siya sa sangguniang bayan ng Batan na nagdulot umano ng kahihiyan sa kanya bilang opisyal ng barangay.
Ang ginawa umano ni Parco ay pagpapakita ng kabastusan at pagiging arogante at ito ay malinaw na pag abuso sa kapangyarihan bilang isang opisyal ng kanilang bayan.
Samantala, inindorso naman ni Deputy Ombudsman for Visayas Paul Elmer Clemente sa Tanggapan ni Vice Governor Reynaldo M. Quimpo na siya ring Presiding Officer ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang nasabing kaso.