Connect with us

Aklan News

Batang patawid sana sa eskwelehan, nasagi ng motor

Published

on

Batang patawid sana sa eskwelehan, nasagi ng motor

Nasagi ng isang motorsiklo ang 11-anyos na estudyanteng patawid ng kalsada dakong alas-7:00 ngayong umaga sa Brgy. New Buswang, Kalibo.

Batay sa report, patawid na sana ng kalsada ang estudyante para pumasok sa eskwelahan ngunit aksidente umano itong nasagi ng isang motorsiklo.

Dahil dito, natumba ang bata at maswerteng kaunting gasgas lamang ang tinamo nito na agad ding nirespondehan ng BFP rescuers at Kalibo Pnp.

Samantala, nagkaareglo din agad ang naturang motorista at ang tatay ng biktima.