Aklan News
Bawal Angkas
Libacao, Aklan-Mahigpit na ipapatupad sa bayan ng Libacao ang “NO ANGKAS Policy” sa mga motorsiklo. Ibig sabihin na drayber lamang ang pwedeng sumakay dito.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod na rin sa ipinapatupad ng gobyerno matapos aprubahan ng kongreso ang RA 11469 o Bayanihan to Heal as One act noong Marso 24, na nagbibigay ng kapangyarihan kay Pres. Duterte na magbigay ng utos sa harap ng Covid 19 crisis na kinakaharap ng bansa at ng buong mundo.
May kaakibat din na pinalidad sa sinumang sumuway sa nasabing batas. Sa sinumang mahuli at mapatunayan na may kasalanan kasong Disobedience, 1 hanggang 6 na buwan na pagkakakulong at multang P100,000 ang kakaharapin base sa reviaed penal code habang P20,000 hanggang P50,000 na multa ay pagkakulong din. base sa RA 11332.
Kasunod nito, lubos na umaapela si Libacao Mayor Charito Navarosa sa lahat ng Libacaonon lalo na sa mga lugar na bulubundukin kung saan motorsiklo lamang ang ginagamit na transportasyon na kunting sakrispisyo lang muna hanggang sa matapos ang krisis na kinakaharap.
Hinikayat ng alkalde ang kanyang mga nasasakupan na magtyaga munang maglakad kung kailangan talagang mamili ng pangangailangan sa bayan o makisuyo sa mga kakilala na bababa ng bayan.
Nagpapasalamat din si Mayor Navarosa sa kanyang mga kababayan sa kooperasyon na ibibigay ng mga ito para sa kaligtasan ng lahat.