Aklan News
Bayan Aklan, nagprotesta kasabay ng ika-9 na anibersaryo ng paghagupit ng bagyong Yolanda
Idinaan sa protesta ng grupong Bayan Aklan ang pag-alala sa paghagupit ng bagyong Yolanda sa lalawigan.
Sigaw nila, imbestigahan ang maanomalyang Yolanda shelter assistance program at pantay na ayuda para sa lahat.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa napapakinabangan ang ilang National Housing Projects na para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda may 9 na taon na ang nakakkaraan.
Kaugnay nito, inalala din ng lokal na gobyerno ang anibersaryo ng Yolanda na kinilalang pinakamalakas na bagyo noong 2013 at isa rin sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 294 na indibidwal ang namatay sa Western Visayas sa pananasala nito.
Continue Reading