Connect with us

Aklan News

Bayan ng Buruanga, inirekomendang isailalim sa state of calamity dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong Kristine

Published

on

Inirekomendang isailalim sa state of calamity ang bayan ng Buruanga dahil sa mga pinsalang iniwan ng bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura at mga imprastraktura.

Ayon kay Buruanga Mayor Concepcion Labindao, inirekomenda ng council na isailalim sa state of calamity ang bayan matapos makita ang assessment na ginawa ng municipal engineer.

Pag-uusapan uman ito sa susunod na session matapos na hindi makabahol sa naging session nitong Lunes ng umaga.

Sapat umano ang dahilan para magdeklara ng state of calamity dahil sa laki ng naitalang pinsala na umabot sa kabuuang higit P35 million.

Umabot sa 4510 na pamilya na katumbas ng 16,248 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Mayroong 112 motorbanca na nasira habang 130 na kabayan naman ang partially damaged at 2 ang totally damaged na karamihan ay nakatayo malapit sa mga coastal area.

Samantala, mayroon umano silang naka-standby na higit 1500 na food packs ng DSWD at hinihintay nalang nila ang dagdag 2860 family food packs para maipamigay sa mga residenteng nasalanta ng bagyo. | MAS