Aklan News
Bayan ng Kalibo, hangad na magkaroon ng satellite office ng Office of the Vice President
Ipinaabot ng Sangguniang Bayan ng Kalibo sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang kanilang hangad na magkaroon ng satellite office ng Office of the Vice President (OVP) sa kabisera ng Aklan.
Ayon kay SB Member Matt Aaron Guzman, naglunsad ang Pangalawang Pangulo ng mga satellite office sa bahagi ng Mindanao at Visayas tulad ng sa Dagupan, Tacloban, Davao, Surigao del Sur at iba pang lugar.
Dahil dito, hangad din ng konseho na makapaglatag ng satellite office ang bise presidente sa Western Visayas partikular sa Kalibo.
Sinabi ni Guzman na inuuna ng Pangalawang Pangulo ang mga malalayong lugar o probinsyya kaya naniniwala siya na kung sa Aklan itatayo ang satellite office ay makakapagbenepisyo rin dito ang mga karatig probinsya gay ang Antique at Romblon.
Ang mga serbisyong ibinibigay ng nasabanggit na opisina ay mga social services at development projects na naka-linyada sa ilalim ng opisina ng Pangalawang Pangulo.