Connect with us

Aklan News

BAYAN NG KALIBO, NAKATANGGAP NG BAGONG PATIENT TRANSPORT VEHICLE MULA SA PCSO

Published

on

NAKATANGGAP ng bagong Patient Transport Vehicle o ambulansiya ang bayan ng Kalibo mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa panayam ng Radyo Todo kay Mayor Emerson Lachica, sinabi nito na personal niya itong kinuha sa Cebu City nitong Marso 5, araw ng Sabado.

Aniya pa, sa ngayon ay hindi na ambulansiya ang tawag dito kundi Patient Transport Vehicle.

Malaking tulong ito ayon kay Lachica para sa bayan ng Kalibo lalo na sa pag-transport ng mga pasyente dahil mayroon itong mga equipment gaya ng stretcher, oxygen tank, BP Monitor, at wheel chair.

Maliban dito, maaaring gamitin ito sa pagtransport ng pasyente mula dito sa Kalibo patungong syudad ng Iloilo.

Saad pa ng alkalde na itinurn-over na ito ng lokal na pamahalaan sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Kalibo.

Dagdag pa nito na hiniling ito ng lokal na pamahalaan sa PCSO noong buwan ng Hunyo ng nakaraang taon at lubos aniya ang kanilang pasasalamat para dito.

Napag-alaman na 60 mga alkalde sa buong bansa ang nakatanggap nito kung saan kasama na dito ang bayan ng Kalibo.