Connect with us

Aklan News

BAYAN NG MALAY WALANG KAKAYAHANG PINANSYAL PARA BUMILI NG BAKUNA LABAN SA COVID-19

Published

on

malay
Larawan mula sa boracayinformer.com

Wala anyang kakayahan ang lokal na pamahalaan ng Malay para bumili ng bakuna laban sa nakamamatay na COVID-19 virus.

Ito ang pahayag ni Malay Sangguniang Bayan Member at Chairman ng Committee on Laws na si Hon. Nicky Boy Cahilig sa isinagawang plenary session ng konseho ngayong araw.

Ayon kay Cahilig, walang alokasyon sa 2021 annual budget ng Malay ang pagbili ng bakuna at walang mapagkukunan ng pondo ang lokal na gobyerno sa nasabing usapin maliban sa tulong na manggagaling sa gobyerno nasyonal.

Dagdag pa ng konsehal, malaki ang naging ambag ng isla ng Boracay sa kaban ng bayan kaya dapat lang na ibalik din sa bayan ng Malay ang nararapat na tulong pinansyal.

Ayon sa datos ng Department of Tourism (DOT), noong 2016 umabot sa mahigit P48.8 bilyon ang tourism receipt ng Boracay, nadagdagan pa ito ng mahigit P56.1 bilyon noong 2017 bago ang Boracay closure ng 2018.

Pagpasok ng 2019 umabot naman sa mahigit P49.8 bilyon ang tourism receipt ng isla.

Dahil dito, isang resolusyon ang ipinasa ng Malay sangguniang bayan na humihingi ng tulong sa gobyerno nasyonal sa pamamagitan ng DOT para sa pagbili ng COVID-19 vaccine at sa Department of Labor and Employment (DOLE) para naman sa cash for work program