Connect with us

Aklan News

Bayangan Village at Lagalag, pinayagan na muling sumali sa Ati-Atihan Festival activiti

Published

on

PHOTO: K-Nett Icasas/Mark Sy FB
Binawi na ni Mayor Juris Sucro ang ban sa mga grupong Bayangan Village at Lagalag kaya muli na silang nakasali sa Opening Salvo ng Kalibo Ati-atihan Festival 2025.
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 080, tinanggal na ng alkalde ang ban laban sa dalawang grupo na nasangkot sa gulo sa nakalipas na Ati-Atihan Festival.
Kung matatandaan, nag-viral ang video kung saan makikitaang naghagisan ng mga drums at iba pang instrumento ang magkabilang grupo sa loob mismo ng festival zone noong January 18, 2024.
Dahil dito, agad na naglabas si Mayor Sucro ng EO na nagba-ban sa lahat ng miyembro ng dalawang grupo.
Umapela naman ang dalawang grupo at nagkausap nitong Setyembre kasama ang alkalde kung saan nangako sila na hindi na uulit makikisali sa anumang gulo.