Aklan News
BEACH VOLLEYBALL BAWAL NA SA BORACAY?
Kalibo, Aklan – Hindi pinayagan ng Boracay Interagency Task Force ang pinakamalaking Open Beach Volleyball Meet sa bansa na gaganapin sana sa isla ng Boracay.
Ayon sa facebook post ng organizer ng Boracay Beach Volleyball Open (BBVO), hindi sila binigyan ng permit ng BITF para sa kanilang aktibidad na nakatakda sana sa November 15-17.
“It is with deep regret we inform you that BBVO has not been given the permission to hold this year’s event in Boracay. The BIATF headed by GM Natividad [Belarmino] has communicated this news to us only by phone and we are still awaiting the official response from their organization. We were informed since they don’t allow beach weddings anymore, we are therefore also not allowed to have events on the beach,” saad sa post.
Ang nasabing volleyball meet ay taunang aktibidad na humihikayat ng mga turista mula sa iba’t-ibang bansa.
Sinabi ng BBVO organizers sa isang pahayagan na maaari itong magdala ng P1.5 million sa lokal na ekonomiya.
Ayon pa kay Tourism Congress of the Philippines president Jose Clemente III, hindi lang atleta kundi pati mga turista ang nadadala ng naturang aktibidad sa isla kaya nagtaka ito kung bakit hindi ito pinahintulutan ng BIATF.
“The BBVO has been an annual event on the island that has attracted not only athletes but tourists. We are curious to know why the event will not be allowed to push through this year as advised by the BIATF, considering this is one of the prime events Boracay is known for,” ani Clemente.
Nabatid na 16 na bansa ang nakilahok sa volleyball open noong 2017 at hindi naman ito natuloy noong 2018 dahil sa Boracay Closure.
Simula pa noong 2011 ay sa Boracay na idinadaos ang nasabing open beach volleyball meet.
Source: https://businessmirror.com.ph/2019/09/21/lahat-bawal/