Connect with us

Aklan News

BETA VARIANT AT P.3 VARIANT, NAKAPASOK NA SA AKLAN

Published

on

Aklan Covid-19 updates

Nakapagtala na ang Aklan ng tatlong kaso ng BETA variant at dalawang kaso ng P-Variant.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Doc. Cornelio Cuachon ng Aklan Provincial Health Office, kinumpirma nito na ang mga bayan ng Buruanga, New Washington at Nabas ang nakapagtala ng BETA variant.

Ang mga bayan naman ng Kalibo at New Washington ang nakapagtala ng P.3 variant.

Sinabi ni Cuachon na nakatanggap siya ng official communication mula sa DOH Western Visayas kagabi kung saan ipinaalam nila ang resulta ng genome sequencing nitong July 15 mula sa Philippine Genome Center.

Nagpadala ang Aklan ng 9 na specimens alinsunod sa pamantayan ng DOH para isailalim sa genome sequencing noong June 30 at dito napag-alaman na nakapasok na ang BETA at P.3 variant sa Aklan.

Ayon kay Cuachon, ang BETA variant o B.1.351 na nagmula sa South Africa at P.3 variant na natuklasan sa Pilipinas ay maituturing na isang variant of concern dahil mabilis din kumalat ang mga ito.

Continue Reading