Connect with us

Aklan News

BFP EMPLOYEE NA POSITIVE SA COVID, KUMPIRMADONG NAKAPASOK SA BORACAY

Published

on

KINUMPIRMA ng Malay Inter Agency Task Force na nakapasok sa Boracay island noong nakaraang linggo ang empleyada ng BFP Regional Office 6 na nagpositive sa covid 19.

Ayon kay Madel Joy Tayco, spokesperson ng MIATF against Covid 19, nakumpirma na nila na nakasama sa grupo ng Bureau Of Fire Protection ang 26 anyos na empleyada na nagtungo sa Boracay noong hwebes kasabay ng pagdating ni DILG Secretary Eduardo Año at iba pang myembro ng Boracay Inter Agency Task Force.

Ngunit hindi pa nila matukoy ang naging itinerary nito sa isla dahil hinihintay pa nila ang official report ng BFP.

Sa imbestigasyon ng Radyo Todo, napag alaman na dumating sa Kalibo noong Myerkules ang grupo ni BFP Regional Director Sr. Supt. Roy Agoto mula sa Iloilo City at nag overnight.

Kinabukasan, June 11, nagtungo na sa Boracay ang mga ito kasama ang mga taga Aklan Provincial BFP.

Nanatili pa diumano sa isla ang grupo ni Supt. Agoto at Linggo na umalis at bumalik sa Iloilo.

Ang empleyadang positive sa Covid 19 ay nakaquarantine sa isang hotel sa Iloilo dahil kinunan ito ng swab sample para sa RT PCR test noong June 6.

Hindi pa nakalabas ang resulta ng test ay umalis na ito sa quarantine facility noong June 9 at sumama sa grupo na nagtungo sa Boracay.

June 14, inilabas ng Department of Health Region 6 ang resulta ng test kung saan sya ay positive.

Sa ngayon ay ibinalik na sa Quarantine Facility ang pasyente samantala isinailalim naman sa lockdown ang kanilang opisina sa Iloilo at naka quarantine na rin ang mga kasamahan nito.

Magpapasailalim din sa rapid testing ang mga empleyado ng Aklan BFP.