Aklan News
BFP Kalibo, ipinasiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong BSKE at Undas 2023
Ipinasiguro ng Bureau of Fire Protection (BFP) Kalibo ang kaligtasan ng publiko ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) at paggunita ng Undas 2023.
Sa panayam ng Radyo Todo kay SFO4 Ricky Piolo, Deputy Municipal Fire Marshal ng BFP Kalibo, inihayag nito na kasado na ang kanilang preparasyon para sa halalan bukas, Oktubre a-30 gayundin sa paggunita ng Undas.
Aniya, ang kanilang oplan ay handa na para sa deployment.
“Ang aton oplan, ready for deployment na. Ang aton nga mga tawuhan nag-initial deployment na kita since ku nagligad nga adlaw,” ani SFO4 Piolo.
“Ready to go na kita kag indi magkabalaka ang aton residente sa Kalibo kay nakahanda na ang Bureau of Fire Protection especially ang Kalibo,” dagdag pa nito.
Paalala ni Piolo sa pagpubliko, bago umalis ng bahay ay siguraduhing nasa maayos at ligtas ang mga kusina gayundin ang bawat gamit sa bahay na gumagamit na kuryente upang maiwasan ang sunog.
Binigyan-diin ng opisyal na walang pinipiling panahon ang pagsiklab ng sunog.
“Pangabay ko liwat nga dapat tandaan naton nga ang sunog wala nagapili sang tiempo.”