Aklan News
BFP-Kalibo, naka-red alert ngayong papalapit na Bagong Taon
NAKA-RED ALERT na ang Bureau of Fire Protection (BFP) Kalibo upang maiwasan ang sunog dahil sa paggamit ng paputok bilang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ito ang inihayag ni SFO4 Jory Biliran, Deputy Fire Marshall ng BFP Kalibo sa panayam ng Radyo Todo.
“Kung sa preparasyon lang, handa kami di. Wala kami day-off. Red alert kami subong. Full force kami subong di sa Kalibo,” pahayag ni Biliran.
Aniya pa, maglilibot sila sa buong bayan ng Kalibo kasama ang PNP at LGU upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Dagdag pa nito, hahanapin aniya nila ang mga nagbebenta ng paputok na walang kaukulang permit.
“Together with PNP kag LGU, malibot kami di sa banwa kang Kalibo para sa safety kung diin pangitaon namon ang mga gabaligya bala sang palupok nga wala sang permit.”
Papayagan lamang silang magbenta kapag mayroon silang mga permit.
“Ang gin-designate nga lugar sang LGU which is diri man sa ingod man namon. Ara na ang structure, papeles nalang nila,” pagtutuloy pa nito.