Connect with us

Aklan News

BIDA BILL NI CONG. MARQUEZ, KINONTRA NI CONG. HARESCO AT HINDI DAW ITO APPLICABLE SA BORACAY

Published

on

HINDI pabor si Aklan 2nd district Representative Teodorico Haresco Jr. sa Boracay Island Development Authority (BIDA) bill ni Congressman Carlito Marquez.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Haresco, sinabi niya na kinopya lang ni Marquez sa sa MMDA Law ang BIDA bill at hindi ito angkop na ipatupad sa Boracay dahil iba dapat ang maging ‘treatment’ sa isla.

Iginiit niya na delikado ang Boracay kapag naipasa ang bill na hindi naikunsulta sa mga LGU, stakeholders at mga mamamayan.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit hindi pa rin gumagawa ng aksyon ang Sangguniang Panlalawigan hinggil sa urgent request ni Gov. Florencio Miraflores na magpasa ng resolution na sumusuporta sa nasabing bill.

Kapag sinuportahan aniya ng SP ang bill ni Marquez, lalabas na ito ang nais suportahan at itulak ng mga Aklanon kahit na hindi pa ito dumadaan sa anumang kunsultasyon mula sa publiko.

Ipinahayag rin nito na mas pipiliin niyang suportahan ang bersyon ng BIDA na isinusulong ni Davao 1st District Paolo Duterte kaysa sa BIDA bill ni Marquez.

Sa ngayon, may 9 na HB umano na pinagpipilian ang mga mambabatas at kasama na dito ang kanyang House Bill No. 4175 o Boracay Island Council at BIDA ni Marquez.

Matatandaan na ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga mambabatas na magtatag ng Boracay Island Development Authority na siyang papalit sa Boracay Inter-Agency Task Force matapos ang May 2021.