Aklan News
BIDA, MAGIGING BOSES NG BORACAY LAND OWNERS PARA PROTEKSYUNAN ANG KANILANG MGA KARAPATAN
Boracay Island – PINAWI ng mga sumulat ng Boracay Island Development Authority (BIDA) Bill sa Kongreso ang pangamba ng mga land owners sa islang ito.
Ayon kina Atty. Oscar Palabyab at Ramon Alikpala ngTechnical Working Group, magseserbeng boses ng mga land owners ang BIDA para maiparating sa National Government Agencies at Officials ang kanilang mga hinaing at para mapasigurong igagalang ang karapatan nila sa mga lupaing kanilang inu-ukupa.
“When BIDA will have its powers, this will become the voice of the stakeholders with the national agencies. BIDA will be the funnel to various agencies. To ensure that all the policies are clear and fair to all the stakeholders and it has to be right. BIDA may be our champion to the national government to resolve all the issues”, pahayag nila sa BIDA Forum na ginanap sa Boracay kamakailan.
Nilinaw nila na sa ngayon ay hindi saklaw o babaguhin ng binubuong batas ang mga ginagamit nang instrumento ng pamahalaan sa pagpapatitulo ng mga lupang naclassified na Alienable and Disposables sa ilalim ng Presidential Proclamation 1064 ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
“We do not change any national or local laws. Public lands are being converted and declared as alienable and disposable, thats the only way you can earn a property now and thats a national law being implemented by the DENR”, ayon sa kanila.
Pero maari umanong tumulong ang BIDA sa pagsusulong ng mga batas sa Kongreso para maayos ang mga hindi tumutugmang mapa, sukat at classification sa mga lupain sa Boracay at mapabilis ang pagpapatitulo nito.
“That will be addressed by a special legislation to make it easier for the people of Boracay to have their properties titled. If BIDA is there, it can help look at the best possible way to settle the issue of ownership of lands,” dagdag pa nila.
“BIDA has a role to champion or protect the interest of the stakeholders and the security of their investments”, pahayag ni Alikpala sa separadong panayam ng Radyo Todo.
Ayon pa sa kanya, “Maari ng isama sa pagbubuo ng Master Plan ng BIDA ang concerns sa mga lupain at kung may mga batas na sumasalungat dito at maaring hilingin agad sa kongreso ang pag amyenda para maging relevant o tugma sa mga requirements ng land owners at stakeholders ng Boracay”.
Umaasa rin sila na ang BIDA ay makakatulong sa mga umuukupa sa mga forestlands para patuloy nila itong magamit.
Ang BIDA, bilang isang Government Owned and Controlled Corporation, ay magbibigay daan sa private stakeholders and organizations sa Boracay para maging myembro ng Board of Directors kung saan myembro rin ang Secretary ng Department of Environment and Natural Resources.
Dito ay maari na nilang mapag usapan ang mga gustong mangyari ng mga stakehokders at land owners para isulong ang kanilang mga karapatan sa mga lupaing matagal na nilang pinagyayaman at binabayaran ang buwis sa pamahalaan.