Connect with us

Aklan News

Biktima ng pambubugbog sa Bakhaw Sur, binawian na ng buhay; suspek nakatakdang sampahan ng kaso

Published

on

Biktima ng pambubugbog sa Bakhaw Sur, binawian na ng buhay; suspek nakatakdang sampahan ng kaso

Tuluyan nang binawian ng buhay kaninang madaling-araw ang biktima ng pambubugbog sa Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo na si Marvin Retos.

Nangyari ang insidente nitong Sabado ng gabi, August 24, 2024 kung saan bibili lang sana ang biktima sa isang tindahan sa Lugar nang bigla itong bugbugin ni Moreno Gallardo o alyas “Dodong”.

Matatandaang, matinding pinsala sa ulo at mukha ang tinamo ng biktima kung saan 5 araw din itong nakaratay sa ospital bago binawian ng buhay.

Samantala, nitong Lunes ay sumuko rin sa mga otoridad ang suspek na ngunit inerelease din dahil sumubra na ito sa reglementary period.

Naninindigan naman ang pamilya ng biktima na sasampahan nila ng kaso ang suspek sa pamamagitan ng regular filing.

Nakatakda namang isailalim ang katawan ni Retos sa post-mortem examination at autopsy.