Aklan News
Biktima ng pananaksak sa Buenasuerte, Nabas palaging sangkot sa gulo sa kanilang barangay – Nabas PNP Chief

SANGKOT sa mga nangyayaring alarm and scandal sa kanilang barangay ang biktima ng pananaksak sa Buenasuerte, Nabas, Aklan.
Ito ang inihayag ni PCapt. Moonyen De Joseph, Acting Chief of Police ng Nabas Municipal Police Station sa panayam ng Radyo Todo.
Ayon kay PCapt. De Joseph, lumabas sa kanilang imbestigasyon na ito rin ang dahilan kung bakit sinaksak-patay ang biktimang si Efren Salaber, 45, ng mag-amang suspek na sina Ruby Bunyo Sr., 45, at Ruby Bunyo Jr., 19 anyos.
“Upon conducting investigation, didto naton nabal-an nga ang ini nga biktima is daw permi lang naga-create sang alarm ang scandal sa ila barangay. So sa pag-conduct man sang imbestigasyon sang aton nga mga kapulisan, didto man nabal-an nga amu ni ang ginhalin man sang ila hitabo nga amu sini,” pahayag ni De Joseph sa Radyo Todo.
Dagdag pa ng hepe na naaresto naman nila kaagad ang mga suspek dahil naabutan nila ito sa lugar.
Narekober din ng mga kapulisan ang isang bolo na tinatayang 33 pulgada ang haba na siyang ginamit ng mga suspek sa pananaksa sa biktima.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Nabas PNP ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong homicide.