Connect with us

Aklan News

BILANG NG MGA AKLANONG MAHIHIRAP, TUMAAS SA UNANG SEMESTER NG 2021 – PSA AKLAN

Published

on

Tumaas ang bilang ng mga mahihirap na Aklanon sa unang kalahati ng taong 2021 batay sa tala ng Philippine Statistics Authority-Aklan.

Lumilitaw sa tala ng PSA na umakyat na ito sa 24.9 porsyento mula sa dating 19.8 porsyento sa 2018. Katumbas ito ng 152, 300 na mga indibidwal.

Batay pa sa datos, tumaas din sa 9.2% o katumbas ng 56, 400 na indibidwal ang nasa matinding kahirapan sa unang semester ng 2021 na mas mataas rin kung ikukumpara sa 6.0% noong nakalipas na tatlong taon.

Sa bawat pamilyang Aklanon naman, ang poverty incidence ay tinatayang nasa 18.3% sa 2021, mas mataas ng 24.49% sa 14.7 percent noong unang kalahati ng 2018.

Katumbas naman ito ng 28, 300 na pamilya mula sa dating 21, 700 pamilyang nasa baba ng poverty line noong 2018.

Ang poverty incidence ay tumutukoy sa bahagi ng kabuuang populasyon o kabuuang bilang ng pamilya na kumikita nang mas mababa pa sa poverty threshold.

Nasa P13, 542.00 ang estimated minimum income na kailangan ng pamilyang Aklanon para makabili ng mga basic food at non-food na pangangailangan.

Sa unang anim na buwan ng 2021, ang kinikita ng mga mahihirap na pamilya ay kulang ng 24.7% sa poverty threshold.

Ibig sabihin, ang bawat pamilyang binubuo ng limang miyembro ay nangangailangan ng karagdagang monthly income na P3, 345.00 para makaahon sa kahirapan sa first sem ng 2021.