Aklan News
BILANG NG MGA FULLY VACCINATED NA TOURISM WORKER SA MALAY, UMABOT NA SA 8,747
Umabot na sa 8,747 ang bilang ng mga fully vaccinated na tourism worker sa Boracay batay sa COVID 19 Vaccination Roll Out Aaccomplishement Report na inilabas ng Municipal Incident Management Team (MIMT) ngayong araw.
Ayon sa kanilang datos, noong Agosto 6, 2021 ay nakatanggap na ang Boracay ng 18, 200 bakuna para sa tourism workers. Mula sa alokasyong ito ay nabakunahan na ng 1st dose ang 9, 288 katao habang 8, 747 naman ang naturukan ng 2nd dose. 3,500 na bakuna naman ang nakatakdang i-rollout sa darating na Agosto 23-27.
Umabot na rin sa 3,163 na A1-A3 ang nabakunahan mula Mayo 26 hanggang Agosto 14, 2021.
Narito ang breakdown ng mga nabakunahan ng 1st dose:
445 mula sa A1 group (mga healthcare workers at kanilang immediate family, overseas Filipino workers na palabas ng bansa, tourism frontliners, at local chief executives);
500 mula sa A2 group ( senior citizens);
at 538 mula sa A3 group (mga taong may co-morbidities)
Narito naman ang breakdown ng mga nabakunahan ng 2nd dose:
410 mula sa A1 group;
454 mula sa A2 group; at
448 mula sa A3 group
Samantala, 368 na mga nabakunahan ng single-dose ng Janssen.
Ayon pa sa ulat, 92.13% ng mga A1 na nakatanggap first dose ang fully vaccinated na samantalang 90.80 % ng mga A2 na binakuhan ng 1st dose ng Sinovac ang fully vaccinated. Dagdag pa rito, 83.27% ng mga A3 na binakunahan ng 1st dose ng Sinovac ang fully vaccinated.
Patuloy pa ring hinihikayat ng pamahalaan ang lahat na magpabakuna na kapag dumating ang iskedyul at siguruhing bumalik para sa kanilang second dose. Sa pamamagitan nito ay sama-sama nating umanong malalabanan ang pagkalat ng COVID-19.