Aklan News
Bilang ng mga naging PWD sa bayan ng Kalibo, tumaas dahil sa mga aksidente
Tumaas ang bilang ng mga Persons With Disability (PWD) sa bayan ng Kalibo dahil sa mga nangyayaring aksidente.
Sa ginanap na PWD Year-end Activities and Evaluation Program 2022 kahapon, nagpaalala si Municipal Persons With Disability Officer Mauro Samson sa mga motorista na mag-ingat sa pagpapatakbo ng mga sasakyan lalo na sa mga lasing.
Aniya, tumaas kasi ang bilang ng mga PWDs sa Kalibo lalo na sa pisikal na aspeto dala ng mga vehicular accidents na sinundan ng stroke at inborn/congenital deficiencies batay sa kanilang pag-interview sa mga PWD na nabigyan ng mga identification cards.
Samantala, namigay rin ang munisipyo ng mga gift packs, crutches, wheelchairs, walkers at iba pang mga devices na makatutulong sa kanila.
Itinampok din ng mga PWDs ang kanilang iba’t-ibang talento sa pagkanta, pagsayaw at pagguhit./MAS