Connect with us

Aklan News

BINATA, NATAGPUANG NAGBIGTI PATAY

Published

on

Kalibo, Aklan – Patay na ng matagpuan ang isang lalaki matapos magbigti alas 6:00 kaninang umaga sa Brgy. Briones, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Alyen Fernandez, 46, ng nasabing lugar.

Ayon sa kanyang tiyuhing si Panso Concepcion, nanlumo ito nang makita ang kanyang pamangkin na nakabitay sa loob ng  kusinang lagayan din nila ng palay.

Kaagad umano siyang humingi ng saklolo sa iba pa nilang pamilya malapit doon hanggang sa makalas ang biktima sa pagkakabitay.

Ayon sa kanyang mga kamag-anak, wala naman silang nalamang dahilan sa pagpapakamatay ni Alyen maliban sa pinaniniwalaang may iniinda itong karamdaman.

Dagdag pa ng kanyang pamilya, minsan na rin umano nila itong pinagsabihang magpa check-up dahil sa kanyang ubo, subalit binalewala lamang niya umano ito.

Ayon naman sa isa sa kanyang katropang si Barangay Captain Rafael Briones, madalas umano nilang makasama sa inuman ang biktima, maliban na lamang nitong mga nakaraang gabi na hindi siya nakisali.

Makikita sa larawan si Brgy. Captain Rafael Briones

Ayon pa kay kapitan, kilalang-kilala umano sa kanilang lugar na walang kaaway at nakikilahok pa sa mga gawaing pangbayanihan sa kanilang lugar si Fernandez.

Kaugnay nito, kumbisido ang pamilya ng biktima at maging si kapitan na walang foul play sa kanyang pagpapakamatay.

Nabatid na nag-iwan pa ng sulat sa kangyang pamilya ang biktima sa kung saan niya itinago ang kanyang iniwang pera.

Nabatid na mag-isa lamang na nabubuhay ang biktima dahil namatay na ang kanyang mga magulang noong nasa 5-6 na taon pa lamang siya rason na ang kanyang mga tiyahin na ang nagpalaki sa kanya.

HOPELINE

Sa tala ng World Health Organization (WHO), halos 800, 000 katao ang nabibiktima ng suicide kada taon na katumbas ng isang buhay tuwing 40 segundo at karaniwan dito ay dahil sa depresyon.

Makakatulong sa mga taong may depresyon ang pagtatanong, pakikinig sa kanilang mga problema o pagtawag sa Hopeline.

Ang mga nais na humingi ng tulong ay maaring tumawag sa HOPELINE: (02) 804-4673 o 0917 558 4673.