Connect with us

Aklan News

BINATA, NATAGPUANG WALA NG BUHAY NG KANYANG INA MATAPOS MAGBIGTI

Published

on

Bumuhos ang luha ng isang ina nang matagpuang wala nang buhay ang kanyang anak kaninang ala-8:00 ng umaga sa isang barangay sa Kalibo.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Radyo Todo, isa ng malamig na bangkay ang binata nang matagpuan ng kanyang ina sa loob ng kanyang kwarto.

Gamit ng biktima ang extension cord na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto na may taas lamang na halos tatlong metro.

Nabatid na nabanggit ng biktima ang planong pagtapos ng kanyang buhay sa kanyang dating kasintahan bago nangyari ang insidente.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kapulisan kaugnay ng pangyayari.

NOTE:
Kung may problema ka at gusto mo ng kausap, maaari kang tumawag sa:
National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727).
Hopeline PH 24/7 hotlines:

0917-558-4673 (Globe)
0918-873-4673 (Smart)
2919 (toll-free for Globe and TM)