Connect with us

Aklan News

Binata, sinaksak ng nakaalitang kainuman

Published

on

Kasong Frustrated Homicide ang posibleng kaharaping kaso ng suspek na sumaksak sa nakaalitang kainuman alas 10:45 kagabi sa Tagas, Tangalan.

Ayon sa impormasyon mula sa Tangalan PNP, nakilala ang biktimang si Jeremy Cuales, 27-anyos, habang nakilala naman ang suspek na si Renz Bautista, 23-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, magkasamang nag-iinuman ang dalawa sa bahay mismo ng suspek, ngunit nagtalo umano ang mga ito sa hindi pa matukoy na dahilan.

Dahil dito, minarapat ng biktima na umuwi sa kanilang bahay, subalit sinundan umano ito ng suspek at sinaksak ng bread knife sa dibdib.

Nakatakbo naman ang biktima at nakahingi ng saklolo kung kaya’t kaagad itong naisugod sa ospital.

Habang naaresto naman kinalaunan ng mga rumespondeng pulis ang suspek sa isang kubo kung saan umano ito natutulog at narekober din ang ginamit nitong patalim.

Nakatakda namang sampahan bukas ng kaukulang kaso ang naturang suspek.

Continue Reading