Aklan News
BINATA, SINAKSAK PATAY, SUSPEK DI PA NATUKOY NG KAPULISAN
Patay ang isang 23 anyos na binata matapos umanong pagsasaksakin bandang alas 2:00 kaninang madaling araw sa Purok 5, C.Laserna St., Poblacion, Kalibo.
Nakilala ang biktimang si Romel Aros ng Naasug, Malay, at kasalukuyang residente ng naunang nabanggit na lugar.
Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, nabatid na isang komosyon umano ang nangyari bago nakitang duguan ang nakahandusay na biktima.
Nabatid na may mga saksak sa kaliwang bahagi ng katawan, likod at paa ang biktima na dinala pa sana sa ospital subali’t doon din umano binawian ng buhay.
Patuloy pang kinikilala ng Kalibo PNP ang suspek o mga suspek sa insidente.
Continue Reading