Connect with us

Aklan News

BINATANG NAGTUTULAK NG SHABU SA IBAJAY, ARESTADO SA BUY BUST

Published

on

Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan sa Sitio Agutay, Brgy. Aquino, Ibajay ang isang 19-anyos na lalaki na nagbebenta umano ng droga.

Nahuli sa buy-bust operation si John Noel Antonio, alyas JN, tubong Bagong Barrio Caloocan City, Alimbo-Baybay, Nabas Aklan matapos mahulihan ng 4 na sachet ng suspected shabu kapalit ng P9000 na buy bust money.

Ayon kay Aklan Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) chief PLTCOL Frensy Andrade, kilala na ang suspek sa pagbebenta ng droga at marijuana sa kanilang lugar.

Social media umano ang ginagamit nito para makipag-transaksyon sa mga nagbebenta ng droga at marijuana na mula sa Manila at Caloocan.

Kaya patuloy ang pagbabantay nila sa drug transactions online para matugis ang pinanggagalingan ng iligal na droga.

Pero aminado naman si Andrade na dagdag pahirap sa kanila ang mga courier na hindi bukas sa pakikipag-ugnayan sa kanila para masugpo ang illegal drug trade sa lalawigan.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampang kaso ng pulisya kontra sa suspek. MAS/RT