Connect with us

Aklan News

Binatang umuwing lasing mula sa isang sayawan, naaksidente sa motor

Published

on

Sugatan ang isang 19 anyos na binata makaraang maaksidente sa motorsiklo.

Kinilala ang biktimang si Justine Dela Vega, residente ng Lalab, Batan.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang aksidente kaninang madaling araw habang pauwi na sakay ng motorsiklo ang biktima mula sa sayawan sa may Pook Tugbungan, Kalibo.

Nang malapit na ang biktima sa bahay ng kanyang pinsan sa lugar ay nawalan ito ng balanse sa motorsiklo at sumemplang sa drainage.

Nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang biktima na agad isinugod sa ospital.