Aklan News
Binatilyo, ikinustodiya sa Kalibo mps matapos magnakaw sa Tigayon


IKINUSTODIYA sa Kalibo Municipal Police Station ang isang binatilyo matapos magnakaw sa Brgy. Tigayon, Kalibo.
Ayon sa isang residente, natukoy nila ang pinagtataguan ng binatilyo bandang alas-6:30 nitong umaga ng Huwebes, Mayo 15.
Ito’y base sa na rin sa tsinelas na ginamit ng binatilyo sa pag-backtrack ng CCTV footage.
Nakuha mula sa pinagtataguan ng binatilyo ang ilang mga ninakaw nito kabilang na ang mga groceries, maleta, batya, at timba.
Dinala naman ang binatilyo sa Barangay Hall ng Tigayon at ine-refer sa Kalibo PNP.
Depensa naman ng binatilyo, nagawa lang nito ang pagnanakaw matapos maglayas sa kanilang bahay at tawaging “palamunin.”
Napag-alamang sunod-sunod ang naging insidente ng nakawan sa Tigayon simula Abril 30.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo Municipal Police Station sa nasabing insidente. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading