Connect with us

Aklan News

Binatilyo umakyat sa puno para magselfie, bumagsak sa ospital

Published

on

Ospital ang bagsak ng isang 16-anyos na binatilyo matapos na mahulog sa puno ng inyam na inakyatan para magselfie dakong alas-5:30 ng hapon nitong Lunes sa Brgy. Bay-ang, Batan.

Batay sa impormasyong nakuha ng Radyo Todo, kasama nito ang ibang kaibigan na umakyat sa nasabing puno at doon nagselfie.

Sinasabing, iniyugyog pa umano ng biktima ang puno rason para mabali ang inaapakan nitong sanga.

Bunsod ng pagkahulog, nagtamo ng bali sa kamay ang binatilyo at iba pang mga galos sa katawan.

Agad itong dinala sa Aklan Provincial Hospital na hanggang ngayon ay patuloy paring ginagamot.