Connect with us

Aklan News

Binatilyong naghatid ng kainuman, sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa Makato ‎

Published

on

Photo: MDRRMO-Makato
‎SUMEMPLANG ang minamanehong motorsiklo ng isang binatilyo sa bahagi ng Brgy. Tina, Makato bandang alas-10:45 nitong gabi ng Huwebes, Mayo 22.
‎Ang hindi na pinangalanang menor-de-edad ay 16-anyos at residente ng Brgy. Calimbajan, Makato.
‎Sa ulat ng MDRRMO Makato, naghatid umano ang binatilyo ng kanyang kainuman sa bahagi ng Brgy. Dumga ng nasabi ring bayan.
‎Nang papauwi sa kanilang bahay, sumemplang ang motorista pagdating sa lugar.
‎Nagtamo ng sugat sa ulo at gasgas sa kamay ang biktima na nilapatan naman ng first aid ng mga rumespondeng MDRRMO-Makato at dinala sa Provincial Hospital.
‎Napag-alaman na bago ang aksidente ay nakainom ng tuba ang nasabing biktima. l Ulat ni Arvin Rompe