Aklan News
Birthday boy bumangga sa SUV sugatan


Ospital ang bagsak ng isang lalaking nagse-celebrate ng kanyang kaarawan kahapon makaraang bumangga sa SUV.
Kinilala ang biktimang si Benedic Imason, 44 anyos ng J. Magno St., Poblacion, Kalibo.
Batay sa ulat, galing sa Magdalena Subdivision ang biktima, pauwi n asana ito nang sumalpok sa kasunod na SUV pagdating sa may Roxas Ave., Kalibo.
Nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang biktima na agad na dinala sa ospital.
Nabatid na nakainom ang biktima at birthday niya nang maganap ang aksidente alas-10 kagabi.
Continue Reading