Connect with us

Aklan News

Birthday celebrant, binugbog ng magpamilyang kaniyang nilibre sa inuman

Published

on

BUKOL AT GALOS sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang birthday celebrant matapos siyang bugbugin ng kaniyang mga nilibre sa inuman sa Pook Jetty Port pasado ala-1:30 ng madaling araw nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, isang 28-anyos na babae ang biktima na residente ng Pook, Kalibo.

Nag-inuman umano ang biktima at ang 3 suspek na magkakamag-anak dahil birthday ng biktima.

Habang naghahanda na umano sila pauwi ay bigla nalang umanong sumugod ang ginang sa sabay sabunot at sampal sa biktima.

Lumapit naman ang anak ng ginang at sinapok sa ulo ang biktima dahilan upang matumba ito.

Samantala, nakatakas pa ang biktima at humingi ng tulong sa isang tindahan, ngunit habang papunta ito sa tindahan ay hinabol naman ito ng ka-live in partner ng ginang.

Tinulungan ng may-ari ng tindahan ang biktima at agad na iniulat sa pulisya ang nangyari.

Naaresto naman ang mag-anak sa mismong bahay ng mga ito at agad na ikinustodiya sa locked-up cell ng Kalibo PNP Station.

Papalayain din ang mga suspek ngayong umaga dahil hindi na desididong magsampa ng kaso ng biktima.